P-Noy mas pinaniwalaan ang MILF kaysa SAF - Marcos

MANILA, Philippines - Kinuwestiyon ni Senador Bongbong Marcos ang gobyerno ng Aquino kung bakit mas naniniwala pa ang mga ito sa Moro Islamic Liberation Front (MILF) kaysa sa sarili nitong mga pulis.

Ito ang  sinabi ni Marcos sa ginawang pahayag ni Pangulong Noynoy Aquino  sa lumalabas na “alternative truth” tungkol sa insidente ng Mamasapano at ipinalalabas na ang pumatay sa Malaysian terrorist Zulkifli bin Hir alyas Marwan ay ang kanyang aide at hindi mga elemento ng Philippine National Police-Special Action Force (PNP-SAF).

“Nag sakripisyo na nga sila (PNP-SAF) tapos gagawan pa ng kuwento para hindi sila ang ba­yani kung hindi ang MILF (Moro Islamic Liberation Front) pa….I am more than disappointed,” ani Marcos.

May mga alegasyon na patay na umano si Marwan ng dumating ang mga mi­yembro ng PNP-SAF.

Sinabi pa ni Marcos na hindi lamang ang Senado ang nag-imbestiga sa Mamasapano massacre kung hindi maging ang House of Representatives at maging ang CIDG.

Inamin naman  kahapon ni Philippine National Police (PNP) Chief P/Director General Ricardo Marquez na  bumagsak ang moral ng kanilang hanay sa isyu ng ‘alternative truth’.

“Medyo hindi nga maganda sa morale ng tao (PNP operatives) at yung nilalabas na?katotohanan dahil 44 people died, kaya nga sabi ko nga eh ang pakiramdam ko e people who are claiming they have other version of the events should provide evidence doon sa mga allegations na yun”, pahayag ni Marquez.

Sinabi ni Marquez na gaano man kasakit ang mga pangyayari, lahat ay interesado na malaman ang katotohanan sa likod ng mga lumulutang na mga pangyayari sa Mamasapano.

 

Show comments