MANILA, Philippines – Ginunita kahapon sa Marikina City ang pag-alala sa mga namayapang pulis na naglingkod ng tapat sa bayan at sa kanilang hindi matatawarang kontribusyon sa kapayapaan at kaayusan ng bansa.
Nagsagawa ng memorial walk mula sa Freedom Park patungong Loyola Memorial Park ang mga lokal na opisyal ng Marikina at mga opisyal ng Eastern Police District (EPD) kung saan nakahimlay ang 115 tapat na nagserbisyo sa kanilang tungkulin.
Nag-alay ng bulaklak sa bawa’t puntod ng mga pulis na sinundan ng 21-gun salute.
Dumalo sa paggunita si Camarines Sur Representative Leni Robredo bilang guest of honor.
Sa speech sa harap ng mga naulila ng mga pulis, ibinahagi ni Robredo ang sakit ng pagkawala ng minamahal sa buhay.
Nabiyuda ang mambabatas matapos bumagsak ang eroplanong sinasakyan ng asawang si Interior and Local Government Secretary Jesse Robredo sa Masbate noong 2012.
Nakiisa rin sa pagdiriwang ang kinatawan ng iba’t ibang ahensya ng pamahalaan, non-government organizations at iba’t-ibang civic group.