^

Police Metro

Police Memorial Day, ginunita

Mer Layson - Pang-masa

MANILA, Philippines – Ginunita kahapon sa Marikina City ang pag-alala sa mga namayapang pulis na naglingkod ng tapat sa bayan at sa kanilang hindi matatawarang kontribusyon sa kapayapaan at kaayusan ng bansa.

Nagsagawa ng memorial walk mula sa Freedom Park patu­ngong Loyola Memorial Park ang mga lokal na opisyal ng Marikina at mga opis­yal ng Eastern Police District (EPD) kung saan nakahimlay ang 115 tapat na nagserbisyo sa kanilang tungkulin.

Nag-alay ng bulaklak sa bawa’t puntod ng mga pulis na sinundan ng 21-gun salute.

Dumalo sa paggunita si Camarines Sur Representative Leni Robredo bilang guest of honor.

Sa speech sa harap ng mga naulila ng mga pulis, ibinahagi ni Robredo ang sakit ng pagkawala ng minamahal sa buhay.

Nabiyuda ang mam­babatas matapos bumagsak ang eroplanong sinasakyan ng asawang si Interior and Local Government Secretary Jesse Robredo sa Masbate noong 2012.

Nakiisa rin sa pagdiriwang ang  kinatawan ng iba’t ibang ahensya ng pamahalaan, non-government organizations at iba’t-ibang civic group.

 

ACIRC

ANG

CAMARINES SUR REPRESENTATIVE LENI ROBREDO

DUMALO

EASTERN POLICE DISTRICT

GINUNITA

LOYOLA MEMORIAL PARK

MARIKINA CITY

MASBATE

NBSP

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with