^

Police Metro

Ex-solon swak sa PDAF scam

Angie dela Cruz - Pang-masa

MANILA, Philippines - Kinasuhan ng graft si ex-4th district Isabela Representative Anthony Miranda matapos na maka­kita ng probable  cause ang Ombudsman nang ilagay nito ang kanyang Priority Development Assistance Fund (PDAF) na nagkakahalaga ng  P20,060,000.00 sa sarili nitong NGO.

Si Miranda ay kinasuhan ng 2 counts ng  Sections 3(e) at 3(h) ng Anti-Graft and Corrupt Practices Act (Republic Act  No. 3019) at 2 counts ng Malversation (Article 217, Revised Penal Code ).

Kasama sa kinasuhan  ang mga opisyal ng Technology Resource Center (TRC) na sina ex-Director Antonio Ortiz, ex-Deputy Director Dennis Cunanan, Chief Accountant Marivic Jover,Group Managers Maria Rosalinda Lacsamana at Francisco Figura, ex-Legislative Liaison Officer Belina Concepcion at Aksiyon Makamasa Foundation, Inc. (AMFI) representatives Domingo Mamauag at Edison Sabio.

Sa 41 pahinang resolosyon ng Ombudsman, nakasaad dito na ang PDAF ni Miranda na may  halagang P20,060,000.00 ay sinabing inilaan sa livelihood projects sa kanyang distrito pero lumilitaw na wala namang naisagawang proyekto para dito ang dating mambabatas sa kanyang distrito.

Sinasabing sa halip na kontrolin ni Miranda ang naturang pondo idinaan ang pondo sa kanyang sariling NGO na AMFI.

Ang  AMFI ay isang non-stock at non-profit association incorporated na tumatayong chairman nito ay si Miranda. 

Hanggang sa nga­yon, ang P20M PDAF ni Miranda ay nananatiling unliquidated.

ACIRC

AKSIYON MAKAMASA FOUNDATION

ANG

ANTI-GRAFT AND CORRUPT PRACTICES ACT

CHIEF ACCOUNTANT MARIVIC JOVER

DEPUTY DIRECTOR DENNIS CUNANAN

DIRECTOR ANTONIO ORTIZ

DOMINGO MAMAUAG

EDISON SABIO

MIRANDA

NBSP

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with