Dating holdaper itinumba

Iniimbestigahan ng mga pulis ang bangkay ng biktimang si Arjay Bibot, dating nakulong sa kasong panghoholdap sa Manila City Jail na itinumba ng dalawang lalaki sa kahabaan ng Narra St., Tondo, Maynila.  Bening Batuigas

MANILA, Philippines - Malapitang binaril sa ulo at namatay noon din ang 22-anyos na si Arjay Bibot, ng Perla St., Tondo, Maynila na dati umanong miyembro ng isang robbery group nang pagbabarilin ito ng dalawang lalaki kahapon ng madaling araw.

Batay sa ulat, dakong ala-1:30 ng madaling araw ay papauwi na ang biktima sa kanyang bahay at pagdating sa kanto ng Narra at Magsaysay St., Tondo ay sumulpot ang dalawang lalaki at pinagbabaril ito.

Ayon sa kaanak na noong nakalipas na Hulyo lumaya sa kasong robbery ang biktima at nangako na hindi na ulit manghoholdap.

Subalit marami umanong mga dating ka-grupo ang nangungulit sa kaniya na muling sumama sa lakad na kanyang tinanggihan.

Malaki ang paniwala ng pulisya na posibleng mga dating kasama sa grupo ang pumatay sa biktima.

Show comments