MANILA, Philippines - Nagbabala ang Philippine Overseas Employment Administration (POEA) sa mga job seekers na naghahanap ng magandang trabaho sa China dahil walang trabahong bukas dito.
Ayon kay POEA Administrator Hans Leo Cacdac, dapat na maging maingat
ang mga job seekers sa Hong Kong at Macau laban sa mga recruiter na nangangako na magbibigay ng trabaho sa China gamit lamang ang tourist o business visa.
Anila, dumarami ang bilang ng mga undocumented Filipino workers sa China
bunsod ng pangakong madali silang makakakuha doon ng trabaho na ang karamihan sa kanila ay mga domestic worker na lumipat sa mainland matapos na magtapos ang kanilang employment contracts sa dalawang administrative regions.