MANILA, Philippines - Kakasuhan ng mga otoridad ang isang 30-anyos na dalaga na nadiskubreng gumamit ito ng abortion drugs na ang tatlo ay kanyang ininom habang ang dalawa ay inilagay sa ari para ipalaglag ang kanyang ipinagbubuntis na sanggol.
Kinilala ang suspek na si Allyn Sarmiento, ng Mauban St., Brgy.Manresa, Quezon City na kasalukuyang nakaratay sa Jose Reyes Memorial Medical Center (JRRMC) dahil sa pangyayari.
Bago ang insidente, nagtungo si Allyn at kapatid nitong si Jay-Ar sa JRMMC at inireport ang miscarriage na nararanasan ng una at nang suriin ni Dr. Catherine Mae Morante ay hindi naman dumadanas ng normal na misscariage kundi dahil sa kanyang infection.
Matapos ang operasyon ay ipinagtapat ni Allyn na siya ay sumailalim sa intentional abortion sa pamamagitan ng paggamit ng cytotec noong Sept.7 na ang tatlong kapsula ay kanyang ininom habang ang dalawang kapsula ay inilagay sa kanyang ari sa pagtatangkang matanggal ang fetus na kanyang dinadala.
Nagpasya ang doktora na ipagbigay alam ang insidente sa otoridad para sa imbestigasyon.