MANILA, Philippines – Pinaniniwalaang biktima ng summary execution ang dalawang lalaki na may mga tama ng bala ng baril ang natagpuan sa Barangay Culiat sa Quezon City kamakalawa ng madaling araw.
Sa ulat ng Quezon City Police District-Criminal Investigation and Detection Unit, kasalukuyang bineberipika ang pagkakakilanlan ng dalawa na sinasabing nasa pagitan ng edad na 25-30, may taas na 5’4, may kapayatan ang katawan, naka-itim na t-shirt at maong pants, habang ang ikalawang biktima naman ay nakasuot ng t-shirt na purple at maong na pants.
Ayon kay PO2 Alvin Quisumbing, ang dalawa ay natagpuan ni Juraid Sahibun sa loob ng Salaam Mosque compound bandang ala-1:20 ng madaling araw.
Narekober sa crime scene ang anim na basyo ng bala ang baril habang patuloy naman ang pagsisiyasat.