Census girl tinangkang halayin ng Pakistani

MANILA, Philippines – Kakaibang karanasan ang sinapit ng 19-anyos na survey girl ng Philippine Statistics Authority (PSA) na nagbabahay-bahay para mag-census matapos itong tangkaing halayin ng isang Pakistani sa Barangay Sta. Ana, Maynila, kahapon ng umaga.

Sa tulong ni Kagawad Henry Bacay ng Barangay 779,  Zone 85, naaresto ang suspek na si Muhammad Safix, may-asawang Filipina at nakatira sa Dagonoy Street sa nabanggit na barangay.

Dinala na sa MPD-Women and Children’s Protection Unit ang suspek kung saan pormal na naghain ng reklamo ang biktimang si Jaymalin Jamolin, contractual employee ng PSA at residente ng Punta Street sa nasabing barangay.

“Kumatok po ako sa bahay ng suspek para sa census kung saan lumabas ito at nagtanong kung virgin pa ako, do you experience sex, tapos hinatak at hinawakan niya ‘yung mga kamay ko at hita pati ulo ko kaya nagtatakbo ako,” pahayag ng biktima.Unang tumakbo sa mga kasamahan ang biktima at nagtungo sa barangay.

Lasing umano ang suspek at itinanggi ang akusasyon ng biktima.

Show comments