8 preso sa Lanao, pumuga

MANILA, Philippines - Tumakas sa kanilang selda sa Lanao del Norte Provincial Jail sa bayan ng Tubod, Lanao del Norte ang walong preso kahapon ng madaling araw.

Ang mga pumugang preso  na nahaharap sa kasong murder, illegal possession of firearms at illegal drugs ay kinilalang sina  Karis Balowa Lando; Anuar Angni;Amoran Dasimbor; Bukong Santos;Waled Mandagla;Bawi Mapandi; Samsodin Mamao; at Musakira Tomanto.

Ayon kay Lanao del Norte Provincial Police Office (PPO) Director P/Sr. Supt. Madid Paitao, dakong alas-3:00 ng madaling araw nang makatakas ang mga preso sa pamamagitan ng paglagare sa rehas na bakal ng kanilang selda.

Sinamantala ng mga preso na makalingat ang kanilang mga jailguards ng isagawa ang pagtakas.

May kapabayaan ang mga jailguards sa nangya­ring pagtakas ng mga preso kung saan ang insidente ay ipinabatid lamang sa kanilang tanggapan mahigit  30 minuto ang nakakalipas.

Show comments