^

Police Metro

Gumamit ng chemical gas... Canadian national nag-suicide

Ludy Bermudo - Pang-masa

MANILA, Philippines - Isang 43-anyos na Canadian national ang umano’y nagpakamatay sa pamamagitan nang pagpapakalunod sa chemical gas na ibinalot sa kanyang ulo sa loob ng inuupahan nitong hotel sa Ermita, Maynila kamakalawa ng gabi.

Ang biktima na natagpuang patay ay kinilalang si Terrance Gregory Mc Mullin, tubong Toronto, Canada, nanunuluyan sa Linear Condominium, Mayapis, St., Makati City at pansamantalang nag-check-in sa Amazonia Hotel, sa MH del Pilar kanto ng Sta. Monica Sts., Ermita simula noong Agosto 30, 2015.

Batay sa ulat, dakong alas-10:50 ng gabi nang matuklasan ang bangkay ng biktima ng hotel front desk na si Arlyn Silva.

Ayon kay Silva, nagbayad sa check in ng hanggang alas-12:50  ng hapon ng Setyembre 1 na pumasok noong Agosto 30 ganap na alas 12:50 ng hapon.

Nang lumagpas sa chek-in time ay hindi pa umano lumalabas ang biktima hanggang sa tawagan ito kinabukasan para tanungin kung mag-eextend pa ng araw, subalit hindi sumasagot.

 Nang umabot na ng gabi ay nagpasiya na lamang na buksan ang silid ng biktima gamit ang duplicate key at doon natuklasan na patay na ito.

Nakabalot ng itim na plastic ang ulo ng biktima na may nakasingit na hose na nakakonekta naman sa isang maliit na tangke na  may lamang Helium gas.

Base sa  suicide note na natagpuan sa safetybox na gamit ng biktima ay may problema ito sa kanyang pamilya.

vuukle comment

AGOSTO

AMAZONIA HOTEL

ANG

ARLYN SILVA

AYON

ERMITA

LINEAR CONDOMINIUM

MAKATI CITY

MONICA STS

NANG

TERRANCE GREGORY MC MULLIN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with