MANILA, Philippines – “Tali ang aming kamay sa usapin ng SIM card registration”.
Ito ang pag-amin ni National Telecommunications Commission Director Edgardo Cabarrios dahil noong taong 2000 pa sila nagpalabas ng memo sa mga telecommunications companies para sa pagpapa-rehistro ng mga sim cards pero na TRO sila ng korte.
Sa pagdinig ng Senate Committee on Public Services ay tinanong ni Senator Cynthia Villar, chairman ng Senate subcommittee on public services kung ano pa ang puwedeng maging solusyon ng NTC kaugnay sa sim cards na nagagamit sa paggawa ng krimen o panloloko.
Sinabi ng NTC na nagpapalabas sila ng mga babala sa pahayagan at radyo hinggil sa text scams na ayon kay Villar, dapat ay sa telebisyon nagpapalabas ng babala ang NTC upang mas marami ang mabigyan ng babala.
Inihayag naman ni National Bureau of Investigation cybercrime division chief Ronaldo Aguto na nagagawang i-convert sa cash ng mga text scammers ang mga load na nakukuha nila sa kanilang mga biktima.