MANILA, Philippines - Kahit sunod-sunod na ang oil price rollback ay hindi pa umano hihirit ng bawas pasahe sa mga pampasaherong jeep ang mga jeepney operators.
Ito ang sinabi ni Efren de Luna, Presidente ng Alliance of Concerned Transport Organizations (ACTO) dahil hindi pa umano sapat ang naganap na rolbak sa presyo ng mga produktong petrolyo nitong nagdaang mga araw.
Sinasabi na dapat nang babaan ng mga jeepney operators sa P7.00 ang minimum fare sa jeep mula sa kasalukuyang P7.50 pasahe dahil sa magkakasunod na bawas presyo sa presyo ng krudo at gasoline
Binigyang diin ni de Luna, kapag bumaba na sa halagang P27 ang kada litro ng krudo ay saka lamang sila hihingi ng rolbak sa pasahe sa passenger jeepney.
Sa ngayon P34 ang halaga ng kada litro ng krudo at hindi rin umano bumababa ang maintenance fee at mga bayarin sa LTO at LTFRB kayat wala pang naitutulong sa kanilang hanay ang oil price rollback.