MANILA, Philippines - “Harapin nyo na lamang ako sa korte”.
Ito ang naging hamon ni Vice President Jejomar Binay kina Antonio Trillanes IV at Atty.Renato Bondal dahil sa panibagong plunder at malversation case na isinampa kahapon sa Ombudsman.
Ayon kay Binay, ang nasabing kaso ay “replay” lamang sa lumang powerpoint presentation ni Bondal sa pagdinig ng Senate Blue Ribbon SubCommittee at napatunayan na walang basehan at puro lamang umano kasinungalingan ang akusasyon nito kaugnay sa korapsyon sa Makati.
“Magkita na lamang kami sa korte at harapin ang P200 milyon damage suit na isinampa ko sa kanila kasama ang iba,” wika ni Binay.
Itinanggi ni Binay ang alegasyon na nagkaroon ng anomalya sa joint venture sa pagitan ng University of Makati (Umak) at Systems Technologies Inc. (STI) dahil sa ito ay aprubado ng mga ordinansa at resolutions ng konseho ng lungsod.
Sinabi naman ni Joey Salgado, chief ng Office of Vice President Media Affairs na tila gimik lang nina Senator Antonio Trillanes IV at mga kasama nito dahil wala nang nanonood sa kanilang telenovela sa Senado.
Gaya ng iba pang mga sinabi ni Mr. Bondal sa Senado na napatunayan nang walang basehan at hula-hula lang.
Dahil ang pagbuo ng UMak College of Nursing ay ayon sa inaprubahang ordinansa ng City Council ng noon si Vice President Jejomar Binay ay mayor pa ng Makati City at si dating vice mayor Ernesto Mercado ay siyang presiding officer.
Nagtataka sila kung bakit si Mayor Junjun Binay ay kinasuhan gayung hindi siya mayor ng panahon na ginagawa ang proyekto at bakit hindi isinama sa kaso si Mercado gayung isa siya sa nagpasa ng mga ordinansa sa pagbuo ng UMak College of Nursing dahil ba kakampi nila ito at basta Binay kahit walang kinalaman ay idadamay nila.?.