^

Police Metro

P-Noy at Abad sisiyasatin na ng Ombudsman

Gemma Garcia at Angie dela Cruz - Pang-masa

MANILA, Philippines - Dahil sa pagbuo at implementasyon ng Disbursement Accelaration Program (DAP) imbestigahan na rin ng Office of the Ombudsman sina Pa­ngulong Noynoy Aquino, Budget Secretary Butch Abad at iba pang opisyal na umanoy sangkot sa pagbuo ng programa.

Sinabi ni Ombudsman Conchita Carpio-Morales sa pagdalo nito sa budget hearing ng House Committee on Appropriations na nagsasagawa na sila ng moto propio investigation sa DAP kasabay ng pagsisiyasat sa mga rekla­mong naihain sa kanilang tanggapan kaugnay dito kung saan sina Pangulong Aquino,  Abad at iba pa ang respondent dito.

Sa katunayan umano ay mayroon na siyang nire-review na bahagi ng investigation report kaugnay ng DAP complaints na isasapubliko ang report na hindi naman kalakaran sa Office of the Ombudsman.

Nilinaw pa ni Morales na, naglalabas lamang sila ng desisyon kung approved for filing ang kaso base sa mga natuklasan nila sa isinagawang im­bestigasyon.

Magugunitang naideklara kamakailan ng Korte Suprema na uncons­titutional ang DAP.

Sinasabi din nina Associate Justices Antonio Carpio at Arturo Brion na dapat managot sina Aquino at Abad  sa ginawang pagpayag na maimplementa ang DAP.

Sinabi na noon ni Carpio dahil sina Aquino at Abad ang nag-apruba at nag-isyu ng National Budget Circular (NBC) # 541 para sa DAP ay maikokonsidera silang may-akda ng naipatupad na programa.

Sinasabi naman ni Brion na kung naipatupad ang DAP in good faith, si Aquino at Abad ay mapoprotektahan ng doktrina para dito.

ABAD

ACIRC

ANG

AQUINO

ARTURO BRION

ASSOCIATE JUSTICES ANTONIO CARPIO

BUDGET SECRETARY BUTCH ABAD

DAP

DISBURSEMENT ACCELARATION PROGRAM

HOUSE COMMITTEE

OFFICE OF THE OMBUDSMAN

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with