^

Police Metro

De Lima ‘kapalit’ sa tigil-protesta ng Iglesia?

Rudy Andal - Pang-masa

MANILA, Philippines - Upang itigil anya ang kilos-protesta ng Iglesia Ni Cristo (INC) ay bibigyan ng graceful exit ng Malacañang si Justice Sec. Leila De Lima anumang araw mula ngayon.

Ito ang inihayag ng mapagkakatiwalaang source dahil si De Lima  ang  isinisigaw ng mga INC na umano’y nakikialam sa panloob na usapin ng isang relihiyon kaugnay sa iniharap na kasong illegal detention ni dating mi­nister Isaiah Samson.

Tugon ito ni  Presidential Spokesperson Edwin Lacierda  matapos ilahad sa publiko ni INC General Evangelist Bro. Bienvenido Santiago na base sa kasunduan ay pinagbigyan ng gubyerno ang kahilingan ng kapatiran.

Nagpapasalamat ang Palasyo sa kautusan ng INC leadership na pauwiin na ang mga miyembro nito sa EDSA-Crossing at Dept of Justice para maibalik sa normal ang sitwasyon.

Wika pa ni Lacierda, sinikap ng gobyerno na umiral ang lamig ng ulo at diplomasya sa hindi pagkaka-intindihan sa nasabing usapin.

 

ACIRC

ANG

BIENVENIDO SANTIAGO

DE LIMA

DEPT OF JUSTICE

GENERAL EVANGELIST BRO

IGLESIA NI CRISTO

ISAIAH SAMSON

JUSTICE SEC

LEILA DE LIMA

PRESIDENTIAL SPOKESPERSON EDWIN LACIERDA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with