^

Police Metro

De Lima pinagbibitiw sa puwesto

Mer Layson - Pang-masa

MANILA, Philippines - Dapat na anyang magbitiw sa puwesto si Department of Justice (DOJ) Secretary Leila de Lima kasunod na rin ng panawagan ng mga miyembro ng Iglesia ni Cristo.

Ito ang sinabi ni  Atty. Harry Roque ng UP College of Law, dahil ang public perception sa ngayon ay ginagamit ni De Lima ang kaniyang posisyon para sa kaniyang kandidatura sa 2016 elections.

Magugunitang nagpahayag ng pangamba ang mga INC members na ang pagbibigay importansya ni De Lima sa kasong isinampa ng itiniwalag na ministro ng INC na si Isaias Samson Jr. ay bahagi ng pressure mula sa administrasyon para matiyak na makuha ang bloc vote ng INC.

Sinabi ni Roque na maaring maakusahan si De Lima ng grave abuse of power lalo pa at naianunsyo na niyang siya ay tatakbo sa 2016 elections.

May mga akusasyon kasi na para mapilitan ang INC na ibigay ang bloc vote sa mga kandidato ng administrasyon ay ginigipit ni De Lima ang nasabing religious group gamit ang isinampang kaso ni Samson.

 

ANG

COLLEGE OF LAW

CRISTO

DAPAT

DE LIMA

DEPARTMENT OF JUSTICE

HARRY ROQUE

ISAIAS SAMSON JR.

ITO

MAGUGUNITANG

SECRETARY LEILA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with