^

Police Metro

Lady trader nalugi sa negosyo, nagbaril

Cristina Timbang - Pang-masa

MANILA, Philippines - Tinapos ng isang 40-anyos na negosyanteng misis ang kanyang buhay sa pamamagitan nang pagbaril sa sarili dahil umano hindi nito matanggap ang pagkalugi ng kanyang negosyo naganap kamakalawa sa Brgy. 5 Silang, Cavite.

Ang nasawi ay kinilalang si Marissa Chavez, 40, residente ng nasabing lugar.

Batay sa imbestigasyon, dakong alas-8:45 ng umaga nang matagpuan ang duguang biktima at wala ng buhay sa ibabaw ng kama nito sa kanyang silid.

Sa salaysay ng kasambahay, huling nakitang buhay ang biktima dakong alas-6:00 ng umaga na pumasok sa kanyang silid at hindi na ito muling lumabas pa.

Nalaman lang na nagpakamatay ang biktima nang magpadala ito ng text message dakong alas-6:20 sa kapatid na lalaki na  “Mon, ikaw na bahala sa mga kapatid natin. Pasensiya na kayo sa kahihiyan na dala  ko sa pamilya natin.Wag kayo magalit kay Cris kasi hindi naman siya kahit kailan nakialam sa pagpepera namin. Hindi din niya inubos sa pagsusugal ang pera namin. Madami ako kapalpakan sa paghahawak ng pera. Pakialalayan na lang si Mama at Papa at mga anak ko”.

Narekober ng pulisya sa kuwarto ng biktima ang STI Cal 9mm with serial number H026528 na posibleng ginamit nito sa pagpapakamatay.

vuukle comment

ANG

BATAY

BRGY

CAVITE

MADAMI

MARISSA CHAVEZ

NALAMAN

NAREKOBER

PAKIALALAYAN

PASENSIYA

SILANG

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with