Utol dedo sa ate

MANILA, Philippines – Idineklarang dead-on-arrival sa ospital ang isang 16-anyos na binatilyo matapos na ito ay masaksak ng kanyang ate habang sila ay nagbibiruan kamakalawa sa bayan ng Tublay, Benguet.

Ang biktima ay itinago sa pangalang Limuel, estudyante habang ang suspek ay ipinatago naman sa pangalang Teresa.

Lumalabas sa imbestigasyon na bago nangyari ang krimen dakong alas-6:00 ng gabi sa loob ng bahay ay kasalukuyang nagluluto ng pang-ulam ang magkapatid nang magkapikunan ang mga ito sa kanilang biruan.

Kumuha ng patalim ang ate at aksidenteng napa­lakas nito ang pagsaksak sa kapatid sa kaliwang dibdib.

Nagawa pang maisugod sa pagamutan ang biktima, subalit idineklara na itong dead-on-arrival.

Show comments