Trillanes nam-bully sa senate hearing

MANILA, Philippines – Muli na naman umanong nakitaan si Senador Antonio Trillanes IV nang pambu-bully sa resource person na si Ryan Barcelo, dating officer in charge ng Makati Social Welfare Department na nagsasabi ng katotohanan ay tinakot at binara ni Trillanes.

Subalit, ang isang resource person sa katauhan ni Arthur Cruto na nagsisinungaling ay pinupuri nito.

Ito ang sinabi ni Atty.Rico Quicho, spokesperson for political affairs ng Office of the Vice President sa nangyaring hearing kahapon ng Blue Ribbon sub-committee.

Kahapon ay sa ika-24 na pagdinig ng komite ay iginisa si Barcelo na nanindigan na walang ghost citizens sa Makati City.

Isiniwalat ni Trillanes na tumanggap si Barcelo ng 15 tseke mula kay Makati Rep. Abby Binay na mula umano sa pork barrel funds ng kongresista na anak ni Vice President Jejomar Binay, subalit sinabi ni Barcelo na wala siyang tinanggap na tseke.

Inihayag din ni Trillanes na ang mga tseke ay mula sa Department of Budget and Management (DBM) at nakalap ng kanyang mga consultants ng nasabing impormasyon.

Ipinaliwanag ni Barcelo na itinalaga siya noon bilang isa sa tatlong disbursing officers ng Makati at siya ang naging taga-bigay ng medical at financial assistance na pabigay ni Rep. Binay na mula sa Makati.

Pero, hindi na umano niya matandaan kung sino ang nag-e-encash o kung kaniyang idinideposito ang tseke.

Binira ni Quicho si Trillanes na muling nag-akusa na walang maipakitang basehan sa  inaakusahan nito, subalit kapag siya ay hiningan ng dokumento ukol sa paggamit niya ng pondo ng bayan sa pagkuha ng 66 consultants kabilang na ang mga houseboy, family drivers at kapatid na may sumasahod ng P71.2K kada buwan ay  nagbabanta ito.

Show comments