4 minero dedo sa gas poison

MANILA, Philippines - Nasawi ang apat na minero nang malason ang mga ito sa tunnel sa magkakahiwalay na insidente sa Itogon, Benguet kamakalawa.

Ang nasawing biktima ay  kinilalang si Abe Amyao, 23, ng Brgy. Loacan, Itogon nang makalanghap ng nakalalasong gas na tumagas sa nasabing minahan at ang katawan nito ay narekober bandang alas-12:30 ng madaling araw kahapon.

Patay din ang tatlo pang minero na sina Ismael Sadya-as, 25; Bambi Dongla, 28  at Tula Mateo, 53, matapos makalanghap din ng nakalalasong gas na tumagas sa loob ng Baguio Gold, Tuding, Itogon, Benguet dakong alas-2:00 ng hapon.

Nabatid na tinangka ni Sadya-as na iligtas si Dongla sa loob ng minahan at sumunod naman si Mateo kung saan magkakasunod ang mga itong tumimbuwang matapos  na malanghap ang nakalalasong gas sa loob ng tunnel.

 

Show comments