Magkapatid patay, 1 pa nawawala sa baha

MANILA, Philippines - Tinangay ng malakas na agos ng tubig baha ang isang bahay na ikinasawi ng isang sanggol at 2-anyos na kapatid habang nawawala ang isa pa nilang kapatid ng nanaganap kahapon ng madaling araw sa Subic, Zambales.

Ang magkapatid na nasawi ay kinilalang sina Regenty Mortalla Quintero, 9 buwang gulang,  Reana, 2. Habang pinaghahanap ang panganay nilang kapatid na si R-Gien Quintero, 5.

Batay sa ulat, dakong alas-2:30 ng madaling araw ay mahimbing na natutulog ang mag-iina sa kanilang bahay sa Brgy. Mangan-Vaka, Subic nang bigla na lamang tangayin ng malakas na agos ng tubig baha ang kanilang bahay matapos umapaw ang Mangan-Vaka River dulot ng malalakas na pag-ulan sa bagyong Ineng at habagat.

 Sa bilis na pangyayari ay hindi naisalba ng ina na si Jocelyn Mortalla Quintero, 32 at ama na si  Reggie, 29 ang kanyang tatlong supling.

Natagpuan patay sina  Regenty at Reana sa pampang ng fish port sa tulong Philippine Coast Guard, Municipal Rescue Group at mga opisyales ng barangay.

Show comments