BOC nagpalabas ng kuwestiyonableng container vans

MANILA, Philippines - “ Paano na-release ang mga container van na naglalaman ng kuwestiyonableng dokumento”?

Ito ang tanong ng ilang broker na nakabase sa Bureau of Customs (BoC) at hinihingan ng paliwanag si  Department of Trade and Industry (DTI) Undersecretary Victorio Mario Dimagiba kung bakit nangyari ito.

Ayon sa ilang broker sa BoC,pinayagan umano ng DTI na ma-release  ang libu-libong container vans, na naglalaman ng mga plywood gayung hindi umano ito dumaan sa inspection ng  Bureau of Philippine Standard (BPS) at kuwestiyonable pa umano ang ilang  mga dokumento  nito nagtatanong din ang mga ito kung ano ang koneksiyon  ni DTI Undersec. Dimagiba sa isang Manny Santos at Paul Teves.

Ayon pa sa grupo ng  broker dapat din  ipaliwanag kung bakit  inisyu ang Memorandum Order 752 habang ang director  ng BPS ay nasa ibang bansa na naging dahilan umano upang maabsuwelto   sa  Show Case Order (SCO)   ang mga kumpanya nina Santos at Teves.

Ang BPS ay ang departamentong nasa ilalim ng pamahahala ng DTI.

Nais ng ilang broker sa BoC na linawin  ang umano’y ilang kuwestiyonableng hakbangin ng DTI sa bagay na ito.

 

Show comments