^

Police Metro

3 patay, 15 katao missing sa landslide

Raymund Catindig - Pang-masa

MANILA, Philippines - Tatlong sibilyan ang patay habang  aabot naman sa 15-katao ang nawawala na  karamihan ay minero matapos matabunan ng tone-toneladang putik ang pitong kubo sa minahan sa Sitio Elizabeth, Barangay Taneg sa bayan ng Mankayan, Benguet kamakalawa ng umaga. ?

Base sa ulat ni Cordillera Office of the Civil Defense Regional Director Andrew Alex Uy,  unang natagpuan ang bangkay ni Crispin Ablao matapos lumutang sa ilog noong Sabado habang narekober naman ang mga bangkay nina Felimon Adcapan at Armando Duyao kamakalawa ng tanghali.?

Kabilang sa mga minerong natabunan sa landslide ay sina Ronaldo Angel, Paulita Angel, Ronald Paul Angel, Jasper Olivarez, Jonie Foster, Marpety Tu­malban, Crisanto  Ablao, Nardo Mocnangan, Marvin C. Baturi, Harold Baturi, Rocky Mangrubang, John Aluyan Jr., Jose Aluyan, Mark Balicdan, at si Efren Balicdan.

Pansamantalang isinara ang bahagi ng Km 16 sa Halsema Highway sa bayan ng Mankayan dahil sa patuloy na banta ng landslides.?

Ipinatagil na rin ang search and rescue operation sa nasabing lugar dahil sa makapal na hamog at walang humpay na buhos ng ulan.

 

ANG

ARMANDO DUYAO

BARANGAY TANEG

CORDILLERA OFFICE OF THE CIVIL DEFENSE REGIONAL DIRECTOR ANDREW ALEX UY

CRISPIN ABLAO

EFREN BALICDAN

FELIMON ADCAPAN

HALSEMA HIGHWAY

HAROLD BATURI

JASPER OLIVAREZ

JOHN ALUYAN JR.

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with