^

Police Metro

Nagkaloob ng pondo sa Caloocan NGO, pinakakasuhan

Rudy Andal - Pang-masa

MANILA, Philippines - Pinakakasuhan ng Kilusan Kontra Kabulukan at Katiwalian (4K) kay Department of Justice Secretary Leila De Lima ang lahat ng mambabatas na sangkot sa pagkakaloob ng kanilang  Priority Development Assistance Fund (PDAF) sa kuwestiyonableng  non-government organization na Kaloocan Assistance Council Inc. (KACI).

Ayon kay 4K secretary general Rodel Pineda, nakasuhan na ang mga nagbigay ng pondo sa KACI sa pamamagitan ng Department of Social Welfare and Development  na si dating Malabon-Navotas Rep. Alvin Sandoval, pero waring sinasadyang iligtas ni De Lima at ng Office of the Ombudsman si Department of Interior and Local Government Secretary Mar Roxas na nagkaloob ng P5 milyon sa KACI noong senador  ito.

Bukod kay Roxas, matagal na dapat nakasuhan sina dating Caloocan congressmen  Oscar Malapitan  at Luis Asistio at dating Quezon City Rep. Vincent Crisologo.

Ayon pa kay Pineda na si Malapitan ay sangkot umano sa maanomalyang paggamit ng P6 milyong pondo sa Disbursement Accelaration Program (DAP) para sa milk feeding project ng National Dairy Authority (NDA).

Nabatid na ang  Commission on Audit (COA) mismo ang nag-ulat sa kuwestiyonableng transaksiyon ng KACI noong 2007 hanggang 2009.

ALVIN SANDOVAL

AYON

DE LIMA

DEPARTMENT OF JUSTICE SECRETARY LEILA DE LIMA

DEPARTMENT OF SOCIAL WELFARE AND DEVELOPMENT

DISBURSEMENT ACCELARATION PROGRAM

KALOOCAN ASSISTANCE COUNCIL INC

KILUSAN KONTRA KABULUKAN

LUIS ASISTIO

MALABON-NAVOTAS REP

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with