^

Police Metro

P100K reward sa killer ni Pamana

Pang-masa

MANILA, Philippines - Nakahanda ang Department of Environment and Natural Resources (DENR) na magbigay ng P100,000 reward sa  sinumang makapagbibigay ng  impormasyon kung sino ang pumatay sa Philippine Eagle na si Pamana.

Si Pamana ay babaeng agila na 3 tatlong taon gulang ay natagpuang patay ng Philippine Eagle Foundation biologists  at forest guard sa Mt. Hamiguitan Range Wildlife Santuary sa Davao Oriental noong  Agosto 16.

Nakitaan ng metal fragment sa kanang dibdib si Pamana na ibig sabihin ito ay binaril.

Itinuturing ni DENR Secretary Ramon Paje na isang barbaric act ang pagpatay kay Pamana na kailangan maaresto at maparusahan kaya’t nanawagan ito sa mga otoridad na nakakasakop sa lugar at sa mga residente doon na tulungan ang regional environment officials para  tugisin ang pumatay kay Pamana.

Sa oras na matukoy at maaresto ang suspek ay kaagad itong kakasuhan ng paglabag sa Republic Act (RA) 9147  o Protection to Wildlife Act.

Bago natagpuang patay si Pamana ay mahi­git  dalawang buwan nang pinakawalan ng DENR sa wild upang makapamuhay ng maayos sa kagubatan.

Tiniyak ni Paje na hindi maapektuhan ng pagkamatay ni Pamana ang proyekto ng DENR na maparami pa ang natitirang mga Philippine Eagle na kanilang inaalagaan.

vuukle comment

ANG

DAVAO ORIENTAL

DEPARTMENT OF ENVIRONMENT AND NATURAL RESOURCES

MT. HAMIGUITAN RANGE WILDLIFE SANTUARY

NBSP

PAMANA

PHILIPPINE EAGLE

PHILIPPINE EAGLE FOUNDATION

REPUBLIC ACT

SECRETARY RAMON PAJE

SI PAMANA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with