Nagtangkang magpakamatay sa MRT, inaresto

MANILA, Philippines - Nakatakdang kasuhan ng pamunuan ng Metro Rail Transit (MRT) ng alarm and scandal ang isang dating call center agent na nagtangkang magpakamatay sa pamamagitan ng pagtalon sa MRT na ikinasugat ng tatlong pasahero kamakalawa sa Makati City.

Kinilala ang nagtangkang magpakamatay na si Mark Robert Connor, 31-anyos, ng  #6945 Washington St., Barangay Pio Del Pilar ng naturang lungsod.

Batay sa ulat, naganap ang tangkang pagpapakamatay ni Connor dakong alas-4:00 ng hapon sa Southbound lane ng MRT-Ayala Station ng naturang lungsod.

Sa salaysay ng nakatalagang guwardyang si Robert Lee Reonal, nakita niyang nagtangkang tumalon si Connor, na nakita ng operator ng tren kaya’t bigla itong nagpreno kaya’t nasugatan ang tatlong pasahero sa loob ng tren na  sina Elisa Aying, 45; Lolita Hermeginio, 60; at Julie Ann Tentativa, 26.

Show comments