Tatay patay, anak grabe sa salpok ng multicab

MANILA, Philippines – Nasawi ang isang ama habang ang angkas nitong anak na 8-anyos na babae ay malubhang nasugatan matapos na sila ay salpukin ng multicab habang sila ay nagbibisekleta kamakalawa ng gabi sa Pasay City.

Ang ama na nasawi habang nilalapatan ng lunas sa Pasay City General Hospital ay kinilalang si Piolito Aloccilja, 36, ng  #2142-14 Adriatico St., Malate, Maynila.Habang ang anak nitong si Princess Barrientos ay nilalapatan ng lunas.

Nadakip naman ang driver ng multicab na si Gilbert Reyes, 40, ng San Jose Del Monte, Bulacan na kakasuhan ng reckless imprudence resulting to homicide at frustrated homicide.

Sa ulat, alas-10:30 ng gabi ay binabaybay ng mag-ama na sakay ng bisekleta ang Southbound lane ng Macapagal Avenue nang biglang sumulpot ang isang Mitsubishi FB Body (multicab) na may plakang TXL0985 na minanameho ni Reyes at nasalpok ang mga ito.

Tumilapon ang mag-ama ng ilang metro na  kaagad na isinugod ng isang rescue team sa natu­rang ospital, subalit  ay nasawi habang nilalapatan  ng lunas ang ama.

Show comments