MANILA, Philippines – Isang panukalang batas na nagbibigay ng otorisasyon sa pag-wiretap laban sa mga drug personalities ang inaprubahan na ng House Committee on Dangerous Drugs.
Sa ginanap na botohan ng komite nagkakaisa ang mga kongresista na miyembro na aprubahan ang House Bill 5839 na inihain ni Quezon Rep.Vicente Belmonte.
Sa ilalim ng panukala, sasama na ang kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Law sa mga pwedeng aplayan ng wiretapping.
Subalit, kailangang may court order na ikinatuwa naman ng PNP-AIDSOFT, Department of Justice, Philippine Drug Enforcement Agency at National Bureau of Investigation dahil kailangan na anila ng ganitong mabigat na hakbang para magkaroon ng mas epektibong laban ang gobyerno sa mga sindikato ng droga.