^

Police Metro

P1.2-M pekeng produkto nasamsam

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines – Aabot sa P1.2 milyong halaga ng mga pekeng seasoning products ang nasamsam matapos sala­kayin ng mga operatiba ng PNP-Criminal Investigation and Detection Group ang limang bodega sa Barangay Sta. Ana at Barrio Obrero sa Davao City kamakalawa.

Ayon sa bagong PNP-CIDG Director P/Chief Supt. Victor Deona, ang raid ay isinagawa sa bisa ng limang search warrant na inisyu ng korte laban sa mga tiwaling distributor at retailers ng mga pekeng produkto.

Ang operasyon ay base sa reklamo at paghingi ng tulong sa PNP-CIDG ng mga lehitimong brand owners ng mga kilalang seasoning products laban sa mga bogus na produkto na ibinebenta sa bansa.

?“One of the mandates of our  operatives  is to enforce the law on Intellectual Property Rights (IPR) and assist those rightful owners for a fair or just competition and protection of property rights,” pahayag ni Deona.

Umaabot sa 413,280 piraso ng mga pekeng seasoning products ang nasamsam sa mga bodega at storage na pinag-iimbakan nito sa inilatag na serye ng operasyon.

Nahaharap sa kasong pag­labag sa Section 168 (Unfair Competition, Rights, Regulation and Remedies) at RA 8293 (Intellectual Property Code of the  Philippines) ang mga may-ari ng limang bodega.

ACIRC

BARANGAY STA

BARRIO OBRERO

CHIEF SUPT

CRIMINAL INVESTIGATION AND DETECTION GROUP

DAVAO CITY

DIRECTOR P

INTELLECTUAL PROPERTY CODE

INTELLECTUAL PROPERTY RIGHTS

MGA

NBSP

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with