Roll back sa oil price, ipinatupad
MANILA, Philippines – Ipatutupad ngayon (Agosto 18) ng ilang oil companies ang roll back sa presyo ng produkto.
Pinangunahan ng Pilipinas Shell ang roll back na bumaba sa P0.25 kada litro ng gasolina habang tumaas naman ng P0.20 kada litro sa kerosene at P0.35 naman sa krudo na epektibo kahapon ng madaling araw.
Ayon kay Ina Soriano ng Pilipinas Shell, ang ipinatupad na roll back sa presyo ng kanila produktong petrolyo ay bunsod ng paggalaw ng halaga ng langis sa pandaigdigan pamilihan.
Inaasahan naman na susunod na mag-anunsyo sa pagbaba sa presyo ng langis ay ilan pang kumpanya kabilang ang mga malalaking kumpanya ng langis.
Matatandaan, huling nagpatupad ng roll back sa presyo sa kanilang produkto ang ilang oil companies noong nakalipas na buwan.
- Latest