^

Police Metro

CA Justice ipina-iinhibit sa Harbour case

Doris Franche-Borja - Pang-masa

MANILA, Philippines – Hiniling ng pangulo ng One Source Port Support  Service na mag-inhibit sa kaso ang isang associate justice ng Court of Appeals upang magkaroon umano ng patas na desisyon.

Sa mosyon na inihain sa 15th Division ng Court of Appeals ni Cyrus Paul Valenzuela, pangulo ng OSPSS ay hiniling na mag-inhibit si CA Associate Justice Noel Tijam sa isang kaso na nakabinbin sa kanyang tanggapan dahil sa pagiging malapit umano nito kay Reghis Romero na siyang nagsampa ng kaso laban sa Home Guaranty Corp.(HGC) sa Manila RTC Branch 24 at 22.

Ang kaso ay isinampa ni Romero at Harbour Centre Port upang pigilan ang 20-araw na temporary restraining order na inisyu ni Pasig Regional Trial Court Judge Rolando Mislang,

Sa naturang kaso, nagkamali ang R-II Builders na hindi nito bayaran ang docket fee sa Manila RTC Branch 22 at dahil dito, hiniling ng HGC na mabasura ang kaso.

Ngunit nabigo ang HGC kaya’t nagsampa ito ng kaso sa CA, na sa pamamagitan ng 15th Division at si Associate Justice Tijam ang sumulat ng naturang desisyon ng CA.

Dahil dito, nagsampa ng kaso ang HGC sa Supreme Court na pinawalang-bisa ang desisyon ng CA noong 2011 dahil sa patung-patong umano na pagkakamali ng desisyon ni Tijam.

Sinabi ng Supreme Court na walang hurisdiksyon ang Manila RTC Branch 22 sa kaso dahil hindi nagbayad ang R-II Builders ng docket fee.

ANG

ASSOCIATE JUSTICE NOEL TIJAM

ASSOCIATE JUSTICE TIJAM

COURT OF APPEALS

CYRUS PAUL VALENZUELA

HARBOUR CENTRE PORT

HOME GUARANTY CORP

KASO

ONE SOURCE PORT SUPPORT

PASIG REGIONAL TRIAL COURT JUDGE ROLANDO MISLANG

SUPREME COURT

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with