Hirit ni P-Noy na maisabatas ang BBL, kinontra ni Alunan
MANILA, Philippines – Pinalagan ni dating Secretary of Interior and Local Government Rafael M. Alunan III ang pagpupumilit ni Pangulong Aquino na maisabatas ang kontrobersiyal na Bangsamoro Basic Law bago matapos ang termino nito.
Para sa dating kalihim, hindi napulsuhan ang tunay na kagustuhan ng mga taga-Mindanao hinggil sa BBL na kontra sa pambansang interes at kapakanan ng Pilipinas.
“Unang-una, iyong MILF eksklusibo lamang na kinakausap ng gobyerno at hindi ang lahat ng sektor sa Mindanao kaya maraming umaalma na excluded sila sa usapan”, wika ni Alunan.
Inilantad din ni Alunan ang tahasang pakikialam ng Malaysia sa peace process ng gobyerno at MILF upang maprotektahan ang kanilang tunay na layunin sa Pilipinas.
“Ang peace broker ay Malaysia. Ang Malaysia for 40 plus years have been funding the MILF para manggulo sa Mindanao para hindi tayo makapag-concentrate sa proseso to get Sabah from Malaysia which belongs to the Sultanate of Sulu,” ani Alunan.
Kinuwestiyon din ni Alunan ang labis na pagbibigay importansiya ng Malacañang sa MILF, samantalang kaduda-duda ang tunay na karakter ng mga ito.
- Latest