2 pa sugatan... abogada todas sa ambush
MANILA, Philippines - Isang babaeng abogado ang nasawi habang dalawa nitong kasamahan sa law firm ang nasugatan nang sila ay pagbabarilin habang nasa loob ng kotse ng dalawang lalaki na sakay ng motorsiklo kamakalawa ng gabi sa Mandaue City, Cebu.
Namatay noon din ang biktimang si Atty. Amelie “Am-Am” Ocañada-Alegre, 35, dahil sa tinamong mga tama ng bala sa iba’t ibang bahagi ng katawan.
Inoobserbahan sa pagamutan ang dalawang kasama nito na sina Atty. Briccio Boholst, 55 at office staff na si Antonio Pino.
Batay sa ulat, bandang alas-6:00 ng gabi ay sakay ang mga biktima ng kulay abong BMW na minamaneho ni Alegre at binabagtas ang kahabaan ng Catalino St., Brgy. Looc nang sila ay pagbabarilin.
Hindi pa kilala ang mga suspek na ayon sa mga nakasaksi ay nakasuot ang mga ito ng helmet at kulay itim na jacket.
Bago ang krimen ay nakatanggap ng death threat ang biktima mula sa kaniyang mister na naghain ng annulment case.
- Latest