Chiz ilalampaso lang ni Robredo

Senator Chiz Escudero. STAR/File photo

MANILA, Philippines - Kayang talunin ni Camarines Sur Rep. Leni Robredo si Senator Chiz Escudero kung maglalaban sila sa vice presidential race sa 2016.

Ito ang paniniwala ni Senator Sergio “Serge” Osmeña III, isa sa mga  naging campaign managers ng Liberal Party noong kumandidatong presidente si Pa­ngulong Noynoy Aquino.

Bagaman at hindi maipaliwanag ni Osmeña kung papaano matatalo si Escudero na nangunguna sa mga vice presidential surveys ay  sinabi ng senador na may appeal si Robredo kesa kay Chiz.

Sinabi pa ni Osmeña na posibleng mga babae ang mamayagpag sa gobyerno sa susunod na taon kung tatakbong pre­sidente si Senator Grace Poe at Robredo.

Idinagdag ni Osmeña na dapat ng kumbinsihin ng LP si Robredo na kumandidatong bise presidente ng partido kung hindi talaga nila makukumbinsing tumakbong bilang bise si Poe.

Show comments