^

Police Metro

Mar laglag sa survey ng INC

Butch M. Quejada - Pang-masa

MANILA, Philippines – Malaki ang paniniwala ng mga miyembro ng Iglesia ni Cristo (INC) na walang pag-asa na manalo si Local Government Secretary Mar Roxas II sa 2016 national elections base sa survey na isinagawa ng kanilang television network na Net 25 noong Agosto 12.

Tinanong ang mga respondents ng: “Sa tingin mo ba may tsansang manalo sa pagpa-pangulo si Secretary Mar Roxas sa 2016 elections?”

Lumabas sa survey na 93.1 percent ng mga  respondents ay nagsabi na “wala” o walang tiyansa na  habang ang 6.9 percent na respondents ay sumagot ng “oo”.

Karamihan sa mga pulitika na tumatakbo sa  national election ay nagnanais ng endorsement ng INC na may mahigit na 2 milyon na miyembro.

Si Roxas ay inendorso ni Pangulong Aquino bilang manok sa 2016 national elections, subalit lumalabas na hindi siya ang paboritong kandidato ng INC sa  2016 base sa national surveys.

Base sa surveys dinominahan ito nina Vice President Jejomar Binay at Senator Grace Poe at bukod kay Roxas ay wala pang ibang kandidato  ang  sinurvey ng Net 25.

ACIRC

AGOSTO

CRISTO

KARAMIHAN

LOCAL GOVERNMENT SECRETARY MAR ROXAS

LUMABAS

PANGULONG AQUINO

SECRETARY MAR ROXAS

SENATOR GRACE POE

SI ROXAS

VICE PRESIDENT JEJOMAR BINAY

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with