Nanay patay, anak kritikal sa salpok ng trak

MANILA, Philippines - Napisak ang ulo at namatay noon din ang isang ginang habang ang anak nitong batang lalaki ay nasa kritikal na kalagayan matapos na masalpok ng isang trak habang sakay ng motorsiklo kahapon ng umaga sa kahabaan ng Aguinaldo Highway, Brgy. San Agustin 2, Dasmariñas City, Cavite.

Ang nasawi ay kinilalang si Ruby Santiago, 44-anyos, may-asawa habang ang anak nito na si King James Santiago,14, estudyante na kasalukuyang inoobserbahan sa pagamutan at kapwa residente ng Blk 11, Lot 26, Phase 1 Parklane Subdivision, Brgy. Santiago, Gen Trias, Cavite.

Batay sa ulat, dakong alas-6:45 ng umaga ay minamaneho ng ginang ang motorsiklo angkas ang anak upang ihatid sa eskwelahan at paliko na sana papasok ng kanto ng bigla itong pumagitna upang magmenor nang ito’y mahagip ng kasunod na 10 wheeler truck (USZ-610) minamaneho ni Edgardo Napile, 44, may asawa residente ng Apacible Blvd., Brgy Wawa Nasugbu, Batangas.

Sa lakas ng salpok ay tumilapon ang mag-ina ng may ilang metro ang layo at nahagip ang ulo ng ina ng nasabing trak.

Show comments