^

Police Metro

Makati cake bidding inalmahan

Butch M. Quejada - Pang-masa

MANILA, Philippines - ‘One sided’ lamang umano ang ipinalabas sa media ng kampo ni acting Makati Mayor Romulo Peña, Jr., tungkol sa resulta ng isinagawang bidding ng cakes noong Lunes sa city hall.

Ito ang inihayag ni Makati City Councilor Marie Alethea Casal-Uy na kung saan ang nakakuha ay ang Goldilocks Bakeshop, Inc. na nagpasa ng kanilang proposal na nabigyan ng contract price na  P8,666,080.50 na mas mababa sa approved budget na P9,356,100.

Anya, naka-pokus lamang ang bid price sa P285 na mababa kaysa dating presyo na hindi man lang pinansin ang pagkukum­para ng sukat at kalidad ng cakes.

Pinunto ni  Casal-Uy na noong  2014, ang sukat ng cake ay  9x4 inches para sa 70,000 piraso. Subalit noong Lunes na ang cake na bid out ay mas maliit sa sukat na 9x2 inches, para lang sa  31,000 piraso.

Kaya’t maaaring makasuhan si  Peña ng paglabag sa Procurement Act at graft dahil sa umano’y pagkiling.

Bago pa mangyari ang bidding ay naihayag ni Peña sa mga balita na ang bagong halaga ng cakes ay naglalaro sa pagitan ng P265-P280 na nagkataon na ito rin ang bid price na ipinasa ng Gol­dilocks.

Kung maaaprubahan ang presyo ng cake tulad ng chocolate chiffon ay P285; marble chiffon ay P275.50 at mocha chiffon ay P266.

Tinuligsa din ng konsehala ang kampo ni Peña sa umano’y panglilito at pagsasabing hindi na balido ang kontrata ng u­nang supplier ng cake na Bakerite.

vuukle comment

ACIRC

ANG

ANYA

ATILDE

CASAL-UY

GOLDILOCKS BAKESHOP

ITO

KAYA

MAKATI CITY COUNCILOR MARIE ALETHEA CASAL-UY

MAKATI MAYOR ROMULO PE

PROCUREMENT ACT

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with