MANILA, Philippines - Dead-on-the-spot ang isang 27-anyos na dalaga nang ito ay malapitang binaril sa ulo ng isang lalaki sa labas ng kanyang bahay kahapon ng madaling-araw sa Mongolia St., San Marino Subdivision, Brgy. Salawag, Dasmariñas City, Cavite.
Ang biktima ay kinilalang si Anna Marie Tuvera, residente ng Blk 24, Lot 28, Mongolia St., ng nasabing subdivision.
Ang suspek ay nakilalang si Noel Naval, nasa hustong gulang, residente ng Brgy. Paliparan 3 ng lungsod ay agad nakatakas.
Sa imbestigasyon, dakong alas-4:00 ng madaling araw ay nasa labas ng bahay ang biktima nang ito ay malapitan na barilin sa ulo ng suspek.
Nang bumulagta ang biktima ay mabilis na tumakas ang suspek dala ang ginamit na baril.
Tinututukan ng pulisya na may kaugnayan sa droga ang pamamaslang.