Sta. Rosa City, ideklarang libre-sona

facebook.com/citygovernmentofsantarosa

MANILA, Philippines – Dahil maraming aspirante sa pagiging alkalde ang miyembro ng LP sa Sta. Rosa City, Laguna ay hiniling kahapon kay Li­beral Party standard bearer at DILG Sec. Mar Roxas na ideklara itong free-zone.

Sinabi ni Emmanuel Mateo ng Center for Anti-Graft and Corruption Prevention Inc. (The Center), upang masiguro ni Sec. Roxas ang ‘panalo’ sa Sta. Rosa City ay dapat ideklara na lamang nitong ‘libre-sona’ ang lungsod sa darating na 2016 elections.

Wika pa ni Mateo, ang pagdedeklara ng libre-sona ng LP sa Sta. Rosa City ay malaking bentahe para kay Sec. Roxas upang masiguro ang kanyang panalo sa lungsod.

Idinagdag pa ng The Center, kapag mayroong piniling LP candidate si Roxas sa Sta. Rosa City ay magpupunta sa ibang partido ang hindi nito mapipili.

Kabilang sa mga aspirante sa mayoralty race ng Sta. Rosa City sa 2016 ay sina Vice Mayor Arnel DC Gomez, Congressman Danilo Ramon S. Fernandez, at Celso O. Mercado na pawang miyembro ng LP.

Anya, kung dadaanin sa equity of incumbent rule ay dapat si VM Gomez ang piliin ng LP dahil siya ang bise-alkalde ng outgoing Mayor Arlene Arcillas na tatakbo namang kongresista sa 5th district ng Laguna.

Pero kung idedeklara ni Roxas na free-zone ang Sta. Rosa City ay magi­ging win-win solution ito para sa kanya at maging sa mga kandidato upang mabura ang ‘palakasan system’.

Show comments