Drug pusher tinodas sa harap ng lover

MANILA, Philippines - Pinagbabaril ng mga hindi pa kilalang suspek sa loob ng kanyang bahay ang isang lalaki na umano ay sangkot sa pagtutulak ng droga kamakalawa ng gabi sa Malabon City.

Ang nasawi ay kinila­lang si Enrico Juance, 48, ng no. 24 Kaunlaran Street, Brgy. Muzon, ng naturang lungsod.

Hindi naman ginalaw ng mga suspek ang live-in partner nito na si Rowena Jordan.

Sa ulat, dakong alas- 10:15 ng gabi nang pasukin ng dalawang salarin ang bahay ni Juance at agad na binaril ito sa ulo.

Samantala, isa rin umano’y bigtime drug pu­sher na nakilalang si Dexter Diaz ang napatay nang ito ay nanlaban sa raid ng pulisya kamakalawa sa bayan ng Buenavista, Agusan del Norte.

Batay sa ulat, bandang alas- 8:45 ng umaga nang salakayin ng pinagsanib na elemento ng mga otoridad ang bahay ng suspek sa Brgy. 10, Buenavista ng lalawigan ito.

Sa halip na sumuko ay nagpaputok ang suspek kaya napilitan  ang mga pulis na gumanti ng putok kaya’t nasapul ito sa kaliwang bahagi ng dibdib na siya nitong ikinamatay.

Show comments