MANILA, Philippines - Iniulat kahapon ni Labor and Employment Secretary Rosalinda Baldoz ang dagdag na P14.00 sa suweldo ng mga minimum wage earner sa Region 1.
Inaprubahan ng Regional Tripartite Wages and Productivity Board sa Region 1 (RTWPB-1) ang Wage Order No. RB1-17 na nagtatakda nang pagtataas ng suweldo P14.00 sa kanilang daily minimum wage rates ng mga manggagawa at empleyado na mas mababa sa poverty income threshold, lalo na sa sector ng non-agriculture (micro) at agriculture (non-plantation).
Sinabi ni Baldoz, ibibigay ang increase sa dalawang tranche kung saan ang unang bahagi ay sa effectivity ng wage order habang ang ikalawa naman ay ibibigay sa Disyembre 2015.