^

Police Metro

Sa pag-padlock ng session hall... Mayor Lani Cayetano, kinasuhan ng Ombudsman

Angie dela Cruz - Pang-masa

MANILA, Philippines - Kinasuhan ng  Office of the Ombudsman si Taguig Mayor Lani Cayetano at ang OIC City Administrator na si Jose Montales sa umano’y paglabag sa Article 143 ng Revised Penal Code (RPC) na nagpaparusa sa sinumang haharang sa pagtitipon ng mga legislative body.

Nag-ugat ang natu­rang kaso sa ginawang pag-padlock ng session hall ng lungsod dahilan kaya hindi nakapagdaos ng session ang Sangguniang Panglunsod at palipatin sa isang maliit na silid sa city auditorium noong Agosto 2010.
Dahil sa kakarampot na espasyo, napilitan ang SP na idaos ang mga pulong nito sa hagdanan ng City Hall sa kauna-unahang sesyon nito at sa iba pang bahagi ng city hall sa sumunod nitong 14 sessions.

Iginiit ng mga mi­yembro ng Sanggunian na hindi sila kinonsulta bago palayasin mula sa session hall o binigyan ng angkop na palugit at abiso.

Hindi naman pinaniwalaan ni Morales ang paliwanag nina Cayetano na ang pag-padlock sa session hall ay bahagi ng city’s re-engineering at reorganizational plan dahil wala namang pro­ject study na kailangang gawin ang mga pagbabago sa mga opisina ng cityhall.

Punto ni Morales, walang plano o pahiwatig ng anumang proyekto na maaaring ikatwiran dito.
Nabigo rin ang alkalde at OIC City administrator na sundin ang Local Government Code na nag-aatas sa maayos na paggamit sa mga tanggapan ng gobyerno at pumipigil sa anumang pag-abuso ng kapangyarihan ukol dito.

 

ACIRC

AGOSTO

ANG

CITY ADMINISTRATOR

CITY HALL

JOSE MONTALES

LOCAL GOVERNMENT CODE

OFFICE OF THE OMBUDSMAN

REVISED PENAL CODE

SANGGUNIANG PANGLUNSOD

TAGUIG MAYOR LANI CAYETANO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with