MANILA, Philippines – “Gawing smoke at pollution free ang Metro Manila laluna ang Quezon City”.
Ito ang hiniling ni QC Vice Mayor Joy Belmonte sa publiko kaugnay sa pagdiriwang ng Lung Month sa Lung Center of the Philippines na kung saan siya ang pangunahing tagapagsalita.
Anya, dapat magkaisa ang bawat mamamayan na gawing malinis sa polusyon ang hangin dahil sa epektong dulot nito sa kalusugan ng bawat indibidwal.
Ang respiratory diseases ay dulot ng paninigarilyo at polusyon sa hangin kung saan 50 percent anya ng mga smokers ay namamatay dahil sa lung cancer at iba pang kahalintulad na sakit.
Ang kalidad naman ng hangin sa QC ay lumalala lalu na kung weekdays dahil sa usok ng mga sasakyan sa mga lansangan na nagdudulot ng asthma, bronchitis at iba pang airborne illnesses.