Tandem utas sa tandem

MANILA, Philippines – Isang Indian national at isang Pinoy na angkas nito sa minamaneho niyang motorsiklo ang pinagbabaril ng mga suspek na sakay din ng isang  motorsiklo kamakalawa ng gabi sa kahabaan ng Congressional Road, Brgy, Salitran 3, Dasmariñas City, Cavite.

Ang mga biktima na nasawi noon din ay kinilalang sina Jasmeet Singh, 23, Indian national, ng Blk. 24, Lot 14, Wood Stock St., Chester Place Subdivision, Brgy. Burol Main at Jaime Laurito, 27, residente ng Delaware St., Manuelaville Subd., Brgy. San Agustin 2 ng nasabing lungsod.

Batay sa ulat-1:20 ng hapon ay minamaneho ni Singh ang isang motorsiklo na kulay itim (2837 MW) at angkas si Laurito at binabaybay ang kahabaan ng Congressional Road na kung saan ay nasa likuran nila ang isa pang motorsiklo na sinasakyan ng mga suspek.

Nang dikitan ang mga biktima ay pinagbabaril ang mga ito hanggang sa tumumba habang ang suspek ay tuloy sa pagtakas.

Isinantabi ng pulisya na ang motibo nang pamamaril ay holdap dahil hindi kinuha ang pera, alahas, cellphone ng mga biktima.

Show comments