MANILA, Philippines - Anim na buwan na sinuspinde sa trabaho ni Deputy Ombudsman (DO) for the Visayas Paul Elmer Clemente si Agrarian Reform Program Officer II Debbie Enarle ng Department of Agrarian Reform (DAR) Regional Office No. VI (DAR RO-6) dahil sa ilang beses na di pagpa-file ng kanyang Statements of Assets, Liabilities and Net Worth (SALNs).
Nabigo umano si Enarle na mag-submit ng kanyang SALNs mula taong 2002 hanggang 2007 at 2009 hanggang 2010 na paglabag sa Section 8(a) ng Republic Act No. 6713 (The Code of Conduct and Ethical Standards for Public Officials and Employees).
Binalaan din ng Ombudsman si Enarle na kapag inulit pa niya ang hindi pagpa-file ng SALN ay malamang na mas matinding parusa ang kaharapin nito.