BIR isinara na ang filing sa e-mail

MANILA, Philippines - Simula ngayong buwan ng Agosto  ay sarado na ang Bureau of Internal Revenue (BIR)  sa pagtanggap ng income tax returns filing  sa pamamagitan ng e-mail.

Batay sa isang memorandum order na ipinalabas ni BIR Chief Kim Henares dahilan ito sa napakaraming natatanggap  ng ahensiya na invalid format ng BIR tax returns kasama na ang e-mails na walang attachments.

Hindi sinusunod ng mga taxpayers ang pagkakasunod-sunod ng mga tanong sa BIR website na ito kaya nagiging invalid ang tax returns.

Magugunita na binuksan ng BIR sa publiko ang e-BIR Forms e-mail accounts para higit na mapabilis ang filing ng ITR at hindi na gumastos pa sa pamasahe at iwas abala sa oras, subalit dahil sa naturang problema ito ay isinarado na.

Kaya’t ang mga taxpayers na magpa-file ngayon ng ITR ay kailangan nang pumunta sa pinakamalapit na BIR office sa kanilang lugar.

 

Show comments