Jailguard nanapak ng trader, dinedo

MANILA, Philippines - Pinabulagta ang 50-anyos na jailguard na sinasabing nanapak ng Indian trader matapos itong pagbabarilin ng di-kilalang lalaki sa loob ng videoke bar sa Legarda Road, Baguio City kamakalawa ng madaling araw.

Kinilala ang biktima na si Marcelo Dagtay Nacir na nakatalaga sa Bureau of Jail Management and Penology sa Cordillera Regional Office at nakatira sa Barangay Irisan, Baguio City.?

Sa imbestigasyon ng pulisya, lumilitaw na na kasama ng biktima ang pamangkin na nag-iinuman sa bar nang makaalitan nito at sapakin ang isa pang kustomer na si Vijay Vishindas Punjabi na sinasabing prominenteng Bumbay sa nasabing lugar.?

Base sa police report, hindi naman nanlaban si Punjabi at sa halip ay tumawag sa kanyang cellphone. ?

Sinabi ng mga nakasaksi na paglabas ng trader mula sa bar ay pumasok naman ang hindi nakilalang gunman saka pinutukan si Nacir sa ulo gamit ang cal. 9mm pistol saka mabilis na tumakas.?

Show comments