^

Police Metro

‘LP solid kay Mar’ - SB

Butch M. Quejada - Pang-masa

MANILA, Philippines - Hindi umano magigiba ang Liberal Party katulad ng mga haka-haka at kami ay nasa likod ng kandidatura ni Secretary Mar Roxas.

Ito ang ipinahayag ni Speaker Feliciano Belmonte Jr., matapos ilang kampo ang nagpipilit na palutangin na hindi lahat ng LP ay sinusuportahan si Roxas na inendorso kamakailan ni Pangulong Noyno Aquino bilang pambato kay Vice President Jejomar Binay sa 2016 presidential elections.

Magugunita na full force ang ipinakita ng mga miyembro ng LP noong Biyernes sa Club Filipino sa pangunguna ni Belmonte at Senate President Franklin Drilon, Senators Bam Aquino, Ralph Recto at TG Guingona.

Kumpleto rin ang attendance ng mga batang congressman tulad nila Kit Belmonte, Miro Quim­bo, Dax Cua, Dan Fernandez, Sam Gullas at Alfred Vargas. Nasipat din sina Iloilo Representative Jerry Treñas, dating Quezon Representative Erin Tañada at kanyang ama na si dating senador Wigberto Tañada.

Naging emosyonal ang pagtanggap ni Roxas sa pag-eendorso ni P-Noy na sa pakiramdam nito ay ipinapasa ng Pangulo ang ipinaglaban ng mga magulang nito at ipinangako na itutuloy ang nasimulan na Tuwid na Daan ni P-Noy.

ALFRED VARGAS

ANG

ATILDE

CLUB FILIPINO

DAN FERNANDEZ

DAX CUA

ILOILO REPRESENTATIVE JERRY TRE

KIT BELMONTE

LIBERAL PARTY

MIRO QUIM

P-NOY

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with