^

Police Metro

DOJ prosecutor sinuspinde sa pangongotong

Angie dela Cruz - Pang-masa

MANILA, Philippines - Siyamnapung araw na pagkasuspinde ang ipinataw ng Sandiganbayan kay Department of Justice (DOJ) Assistant State Prosecutor Diosdado Solidum Jr., habang naka-pending ang paglilitis sa kanya sa kasong  direct bribery at paglabag sa Section 7(d) may kinalaman sa section 11 ng Republic Act No. 6713 o Code of Conduct and Ethical Standards for Public Officials and Employees.

Sa apat na pahinang resolusyon inatasan ng Sandiganbayan si Solidum na huwag munang papasok sa kanyang puwesto sa gobyerno o sa anumang public office dahil sa kanyang kaso.

Si Solidum ay kinasuhan sa Sandiganbayan ng Ombudsman makaraang mahuli ng NBI agents sa isang restaurant sa Timog Avenue, QC sa isang entrapment operation base  sa reklamo ng isang Gerardo Rivera, presidente ng  Philippine Airlines Employees Association (PALEA).

Ayon kay Rivera na nakipag-usap sa kanya si Solidum na mag-meeting sa QC para mabigyang daan ang pagbabaliktad sa ipalalabas nitong resolusyon sa kaso nito na pabor sa kanya at humingi ito ng P10,000.00 mula sa bawat PALEA member/respondent o may kabuuang P2.5 milyon na naibaba sa P1.2 milyon na babayaran ng installment kapalit ng pagdismis sa kaso sa mga PALEA members na hawak ni Solidum.

ASSISTANT STATE PROSECUTOR DIOSDADO SOLIDUM JR.

AYON

CODE OF CONDUCT AND ETHICAL STANDARDS

DEPARTMENT OF JUSTICE

GERARDO RIVERA

PUBLIC OFFICIALS AND EMPLOYEES

REPUBLIC ACT NO

SANDIGANBAYAN

SI SOLIDUM

TIMOG AVENUE

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with